Detalye ng umano’y katiwalian sa DOH na sinasabi ni Senador Pacquiao, hinihintay na ni Pangulong Duterte
Hinihintay ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga detalye ng sinasabing katiwalian ni Senador Manny Pacquaio partikular na sa Department of Health.
Ayon kay Senador Christopher Bong Go, seryoso kasi ang Pangulo na walisin ang korapsyon sa mga ahensya ng pamahalaan mula pa nang maupo ito sa puwesto.
Ipinagtanggol ni Go ang Pangulo at iginiit na aktibo itong lumalaban at hindi tumitigil para papanagutin ang mga tiwali sa pamahalaan.
Katunayang itinatag nito ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na siyang nag- iimbestiga at nagsasampa ng kaso laban sa mga tiwali sa pamahalaan.
Sinabi rin ng PACC hindi na bago ang alegasyon ni Pacquiao laban sa DOH.
Katunayan may ongoing investigatiom na ang PACC sa umano’y anomalya sa paggastos ng pondo ng DOH lalu na ang may kinalaman sa Covid-19.
Ayon kay PACC Chairman Gregco Belgica, siyam na kaso sa DOH ang kasalukuyang inimbestigahan at pinasagot na nila si Duque hinggil dito kabilang na ang isyu ng overpricing sa Covid test kit.
Hindi lamang si Duque ang pinagpapaliwanag ng PACC kundi apat pang Cabinet officials.
Tumanggi naman si Belgica na tukuyin o pangalanan ang iba pang idinadawit na opisyal dahil mayroon silang gag order at ayaw nilamg mauwi ito sa trial by publicity.
Ang sigurado aniya oras na makakalap na sila ng sapat na ebidensya ay isusumite nila ito sa Pangulo at irerekomenda ang pagsasmapa ng kaso.
Paglilinaw pa ni Belgica, walang lalagpasan ang Pangulo, kaibigan man o kapartido o kahit mga tumulong sa kaniya sa kampanya.
Meanne Corvera