DFA at ASEAN Members’ States, umapela ng hinahon sa gitna ng tensyon sa Taiwan Strait
Nagpahayag ng pagkabahala ang Pilipinas at ang iba pang mga bansa na miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa tumataas na tensyon sa Taiwan Strait.
Ito ay sa harap ng pagsasagawa ng China ng military exercises sa paligid ng Taiwan kasunod ng pagbisita doon ni U.S. House Speaker Nancy Pelosi.
Sa statement ng Department of Foreign Affairs (DFA), sinabi nito na sumusunod ang Pilipinas sa One-China policy.
Nanawagan din ang DFA ng pagpipigil o hinahon sa lahat ng partido na sangkot.
Ayon sa kagawaran, ang dapat na manaig ay ang diplomasya at dayalogo.
Sa hiwalay na pahayag ng ASEAN Foreign Ministers, sinabi na nababahala ang ASEAN na ang mga pangyayari sa Taiwan Strait ay humantong sa “miscalculation,” seryosong komprontasyon, “open conflicts,” at “unpredictable consequences” sa mga malalaking bansa.
Umapela rin ang ASEAN ng “maximum restraint” at pag-iwas sa anomang “provocative action.”
Muli ring iginiit ng mga ito ang suporta ng ASEAN members’ states sa kanilang One-China policy.
Moira Encina