DFA at COMELEC, naghahanda para sa internet voting sa abroad para sa 2025 Nat’l Elections
Nagpulong na ang Department of Foreign Affairs- Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) at ang Commission on Elections- Office for Overseas Voting (COMELEC-OFOV) bilang paghahanda sa pagpapatupad ng internet voting sa ibang bansa para sa 2025 National Elections.
Ang internet voting ang isa sa mga mode ng pagboto sa abroad para sa halalan sa 2025.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Jesus Domingo na mahalaga ang strategic information campaign para sa isasagawang internet voting at tutulungan ng kagawaran ang poll body ukol dito.
Magsasagawa ang DFA-OVS at COMELEC-OFOV para sa pagdaraos ng training programs, konsultasyon, at iba pang aktibidad upang maihanda ang foreign service posts at Filipino communities sa ibang bansa para sa implementasyon ng internet voting.
Ang pagpaparehistro para sa overseas voting para sa National at Local Elections sa 2025 ay magtatapos sa Setyembre 30, 2024.
Moira Encina