DFA Consular offices sa Metro Manila, balik operasyon na sa Lunes, Aug. 23
Matapos isailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Metro Manila, balik-operasyon na rin simula bukas, August 23, ang operasyon ng mga consular office sa rehiyon.
Sa advisory ng Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang dito ang lahat ng temporary off-site passport facilities.
Inabisuhan ng ahensya na ang mga aplikante na may appointment sa mga petsang August 23 hanggang 31 na sundin ang appointment schedule maliban na lamang kung nakatanggap sila ng abiso mula sa DFA gaya ng closure ng partikular na consular office dahil sa disinfection, quarantine o iba pa.
Sa mga may appointment naman sa 2 linggong ECQ o mula August 6 hanggang 20 ay dapat sundin ang kanilang bagong appointment schedule na ipinadala sa kanila sa e-mail.
Para sa mga nagnanais na makakuha ng bagong appointment schedule maaaring mag-email sa mga sumusunod na TOPS:
TOPS SM Aura – [email protected]
TOPS SM North Edsa – [email protected]
TOPS Robinsons Place Magnolia Place – [email protected]
TOPS Robinsons Place Las Pinas – [email protected]
TOPS SM MOA – [email protected]
Paalala ng DFA na hindi sila tumatanggap ng walk-in applicants kaya sa mga emergency o urgent medical travel needs ay maaaring magpadala ng email request sa [email protected] kalakip ang kopya ng kanilang identification documents (current passport or if new applicant, a government-issued ID) and proof of their emergency travel.
Maaari ring bisitahin ang kanilang website https://consular.dfa.gov.ph para sa mga update ng operation schedule.