DFA iginiit na tanging ang Pangulo ng bansa ang puwedeng mag-apruba ng mga kasunduan sa WPS

Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tanging ang pangulo ng bansa ang maaaring magpatibay o mag-awtorisa ng mga kasunduan na pinapasok ng Pilipinas kaugnay sa West Philippine Sea (WPS) at South China Sea (SCS).

Ang karagdagang pahayag ng DFA ay kaugnay pa rin sa sinasabi ng Chinese Embassy na “new model” na napagkasuduan ng Tsina at AFP Western Command ukol sa Ayungin Shoal.

Kinumpirma rin ng DFA na walang sinumang opisyal ng gabinete ng Pamahalaang Marcos ang sumang-ayon sa anumang proposal ng Tsina pagdating sa Ayungin Shoal.

Iginiit ng DFA na walang anumang umiiral na dokumento, tala o kasunduan ang gobyerno ng Pilipinas sa Tsina.

Una nang pinasinungalingan ng DFA at ng iba pang ahensiya ng pamahalaan ang sinasabi ng Chinese Embassy na bagong model ng arrangement sa WPS.

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS:
“Further to the Department of Foreign Affairs (DFA) Statement issued on 5 May 2024, the DFA wishes to emphasize that only the President of the Republic of the Philippines can approve or authorize agreements entered into by the Philippine Government on matters pertaining to the West Philippine Sea and South China Sea.

In this respect, the DFA can confirm that no cabinet-level official of the Marcos Administration has agreed to any Chinese proposal pertaining to the Ayungin Shoal.

As far as the Philippine Government is concerned, no such document, record or deal exists, as purported by the Chinese Embassy.”

Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *