DFA iimbestigahan ang mga ulat ng iligal na gawain ng mga diplomat sa bansa
Magsasagawa ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng imbestigasyon sa posibleng wiretapping sa sinasabing pag-uusap sa telepono ng opisyal ng Chinese Embassy at ng pinuno ng AFP Western Command.
Sa pahayag ng DFA, sinabi na aalamin nito ang mga ulat ng mga iligal at mga unlawful na gawain ng diplomatic officials.
Ayon sa DFA, aaksyunan nito ang mga nasabing ulat alinsunod sa mga umiiral na batas at regulasyon.
Inilabas ng DFA ang pahayag kasunod ng sinabi ng Tsina ng recording ng sinasabing napagkasunduan na hakbangin sa pagtugon sa sitwasyon sa Ayungin Shoal sa pagitan ng Chinese Embassy official at ng lider ng AFP WesCom.
Sinabi ng DFA na may kalayaan ang mga foreign diplomat sa bansa para gawin ang kanilang mga gampanin.
Pero ito ay inaasahan na gagawin ng mga ito ng may pinakamataas na integridad at propesyanalismo at pagsaalang-alang sa parehong interes ng dalawang bansa.
Kaugnay nito, nanawagan ang DFA sa pagsunod sa international laws gaya ng Vienna Conventions ukol sa inter-state relations.
Moira Encina