DFA, inoobliga nang iparehistro sa POEA at OWWA ang mga kasambahay ng mga Diplomats
Inoobliga ni Senador Cynthia Villar ang Department of Foreign Affairs (DFA) na iparehistro ang lahat ng household staff ng mga Filipino diplomats sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers’ Welfare Administration (OWWA).
Sa impormasyong nakuha ni Villar, walang record sa POEA at OWWA ang kasambahay na minaltrato ni Ambassador to Brazil Marichu Mauro.
Iginiit ng Senador na hindi naman kailangang gumawa ng batas para lamang ipatupad ang sistemang ito dahil parehong Filipino ang employer at manggagawa.
Sa panuntunan kasi aniya ng POEA, maaaring direktang mag-hire ng mga mangagawa ang mga diplomats pero kailangang nakarehistro sa POEA na hindi nasunod sa kaso ni Ambassador Mauro.
Gaya ng ibang Domestic workers dapat rin silang sumailalim sa pre- departure seminar para alam nila ang kanilang mga karapatan bilang mga mangagawa at dapat rin silang entitled sa lahat ng mga benepisyo.
Meanne Corvera