DFA, itinaas ang crisis alert levels sa 21 bansa dahil sa banta ng seguridad

Itinaas ng Department of Foreign Affairs ang crisis alert levels sa 21 bansa dahil sa banta ng seguridad.

Crisis alert level 4 ang itinaas sa Iraq, Syria at South Sudan.

Sa nasabing level , ipinapatupad ang total ban sa deployment ng Overseas Filipino Workers.

Nasa alert level 3 naman ang Yemen at Afghanistan dahil sa patuloy na political at security instability.

Limang bansa naman ang nasa alert level 2 ng DFA at ito ay ang Palestine , Libya, Ukraine at Venezuela.

Ibig sabihin nito , pinagbabawalan ang pagkuha ng bagong OFW sa nasabing mga bansa.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *