DFA, nababahala sa aksyon ng Kuwait na patalsikin si Ambassador Renato Villa
Nababahala ang Department of Foreign Affairs sa desisyon ng Kuwaiti government na patalsikin ang envoy ng Pilipinas.
Ayon sa DFA, naipaalam na sa Pilipinas ang desisyon ng Kuwait na pauwiin sa Pilipinas si Philippine Ambassador Renato Villa kung saan binibigyan ito ng isang linggo para ayusin ang kanyang mga naiwang trabaho doon.
Kinuwestyon ng DFA ang hakbang ng Kuwait dahil pagtalikod ito sa pangako ng Kuwait na pagpapaigting ng bilateral ties sa gobyerno ng Pilipinas.
Hinihingan na rin ng paliwanag ng DFA si Kuwaiti Ambassador to Manila Musaed Saleh Ahmad Althwaikh gayong nagbigay na ito ng assurance kay Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na tinanggap ng Kuwait ang paghingi ng paumanhin ng Pilipinas.
Nanindigan si Cayetano na isinaalang alang lang ng pilipinas ang kalagayan ng mga migrant workers kaya sinagip ang mga OFW na minamaltrato ng kanilang mga amo.
Nauna nang nagalit ang kuwait sa ginawang rescue operations ng Pilipinas kung saan inakusahan ang mga opisyal ng gobyerno ng paglabag sa international law at kanilang soberenya.
Part of DFA statement:
“The action taken by the Kuwaiti Government is deeply disturbing as it is inconsistent with the assurances given by Kuwaiti Ambassador Musaed Saleh Ahmad Althwaikh during his meeting with Secretary Alan Peter S. Cayetano in Manila on Tuesday. The Department will ask Ambassador Saleh to explain first thing tomorrow why the Kuwaiti Government reneged on the agreement reached with him to work together to move bilateral relations between the Philippines and Kuwait forward”.
Ulat ni Meanne Corvera