DFA nagbabala laban sa pekeng e-Visa website
Binalaan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang publiko laban sa mga pekeng e-Visa website.
Ayon sa DFA, may ulat na mayroong aktibong website na naglalaman ng misinformation ukol sa e-Visa at sa iba pang mga regulasyon ang ipinapakalat.
Nilinaw ng DFA na ang mga impormasyon kaignay sa e-Visa ay ilalabas lamang sa official channels ng kagawaran.
Una nang inanunsiyo ng DFA na magkakaroon ng soft launching ng Philippine e-Visa system sa foreign service posts sa Tsina sa Agosto 24.
Sa ngayon ay patuloy na isinasaayos ng DFA at ng Department of Information and Communications Technology ang Philippine e-Visa system.
Sa pamamagitan e-Visa, maaari nang gamitin ng mga dayuhan na nais magtungo sa Pilipinas para sa negosyo o turismo ang kanilang personal computers, laptops, at mobile devices para makapag-apply sa temporary visitors’ visas.
Moira Encina