DFA nagsumite sa Palasyo ng rekomendasyon ng magiging kinatawan sa libing ni Queen Elizabeth II
Wala pang kumpirmasyon natatanggap Department of Foreign Affairs (DFA) kung dadalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa libing ni Queen Elizabeth II.
Ang reyna ay ililibing sa London sa Setyembre 19, Lunes.
Sinabi rin ni DFA Spokesperson Ma. Teresita Daza na nagsumite na ang kagawaran ng rekomendasyon sa Palasyo kung sino ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa libing.
Hindi naman tinukoy ng opisyal kung sino ang inirekomenda sa Malacañang.
Ayon kay Daza, ang Office of the President ang magpapasya at magaanunsiyo kung sino dadalo sa libing ni Queen Elizabeth II.
Una nang inihayag ng DFA na nagpadala si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo ng condolence letter sa kaniyang counterpart para ipaabot ang pakikiramay nito sa pagpanaw ng reyna.
Moira Encina