DFA, nakatutok sa sitwasyon sa Iran matapos ang malagim na pag-atake sa Military parade 

                                               photo credit: www.nytimes.com

 

Patuloy  ang monitoring ng Department of Foreign Affairs o DFA sa sitwasyon sa Ahvan, Iran matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang taunang military parade doon na ikinamatay ng 25 katao.

Hindi naman bababa sa animnapu (60) ang sugatan.

Sinabi ng DFA na kumakalap na ng impormasyon ang Embahada ng Pilipinas sa Tehran, kaugnay ng naganap na pag-atake.

Ayon kay Ambassador Wilfredo Santos, nakasuot ang mga armadong lalaki ng military uniforms nang sumalakay sa parada.

Sa tala ng DFA, aabot sa 1,184 na Filipino ang kasalukuyang naninirahan sa Iran.

Ito na ang itinuturing na isa sa pinakamadugong pag-atake sa puwersa ng mga sundalo.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing Martes.

 

====================

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *