DFA nanawagan sa mga Pinoy sa Gaza ng voluntary repatriation
Inilagay na sa Alert Level 3 ng Department of Affairs (DFA) ang Gaza sa harap ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, ang Alert Level 3 ay nangangahuluhan ng voluntary repatriation.
“Gaza Alert Level 3 means the government is calling on Filipinos to consider repatriation on voluntary basis.” pahayag ni DFA Usec Eduardo de Vega
Sinabi ng opisyal na ang problema ay sarado ang Gaza kaya walang makapasok o makalabas.
Pero gagamit aniya ng diplomasya ang DFA para makaalis ng Gaza ang mga Pilipino doon.
“Gaza is under a blockade. No one coming in or out. We are using diplomacy to find means to get them the means to exit Gaza.” paliwanag pa ni de Vega
Sa pinakahuling tala aniya ay kabuuang 70 Pinoy sa Gaza ang humiling sa pamahalaan na makauwi sila pabalik ng Pilipinas.
Ang Israel ay naman ay nasa ilalim ng Alert Level 2 na ang ibig sabihin ay may paghihigpit sa deployment sa nasabing bansa pero wala pang panawagan ng repatriation.
“Israel Alert Level 2 is restriction on new deployment. But no call for repatriation yet.” dagdag pa ni de Vega
Samantala, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na patuloy na inaalam ng DFA ang mga ulat na may mga Pilipino na bihag ang Hamas.
“We are constantly monitoring and trying to verify information if there are any other filipino hostages.” pahayag ni DFA Secretary Enrique Manalo
Moira Encina