DFA patuloy ang pakikipag-ugnayan sa Phil. Embassy sa Pakistan para sa agarang pagpapauwi sa mga Pinoy sa Afghanistan
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa Philippine Embassy sa Pakistan para sa repatriation ng mga Filipinong nasa Afghanistan.
Ito ay matapos ipag-utos ng pamahalaan ng Pilipinas ang mandatory evacuation sa mga kababayan natin sa Afghanistan.
Itinaas na sa Alert level 4 ang sitwasyon sa nasabing bansa dahil sa kaguluhan doon.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ililipad pauwi ng bansa ang mga Pinoy sa Afghanistan sa pamamagitan ng chartered flights.
Kagabi ay nasa 32 mga Pinoy na ang nailikas na mula sa Afghanistan at nasa Doha, Qatar at naghihintay na lamang ng kanilang flight pauwi ng Pilipinas.
19 pang Pinoy ang nakatakdang ilipad pauwi ng bansa.
Patuloy ang panawagan ng DFA sa lahat ng Pinoy sa Afghanistan na magpalista na sa repatriation o kaya ay kontakin ang Philippine Embassy sa Pakistan o OFWHelp sa pamamagitan ng sumusunod:
Whatsapp/Viber: +923335244762
Messenger/Facebook: facebook.com/atnofficers.islamabadpe or facebook.com/OFWHelpPH
EMAIL: [email protected].