DFA, pinakakansela ang passport ng Drug Queen na si Guia Castro
Hiniling na ni Senate minority leader Franklin Drilon sa Department of Foreign Affairs na kanselahin ang pasaporte ng umano’y Drug Queen na si Guia Gomez Castro.
Sinabi ni Drilon na si Castro ay maituturing na Fugitive from Justice matapos itong kumpirmahin ng Philippine National Police (PNP) na bumibili ng mga recycled drugs.
Sa huling datos ng mga otoridad, si Castro ay umuwi sa Pilipinas noong September 18 mula sa Vancouver sa Canada pero muling lumabas ng Pilipinas patungong Bangkok noong September 21.
Ayon kay Drilon sa Republic Act 8239 o Philippine Passport Act, may kapangyarihan ang kalihim ng DFA na ipakansela ang pasaporte ng isang passport holder kung may kinalaman ito sa National Security.
Ulat ni Meanne Corvera