DFA Sec. Cayetano nakiusap sa ibang bansa na mag-ingat sa pagpapalabas ng travel advisory

Nakiusap si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa mga bansa na mag-ingat sa pagpapalabas ng travel advisory laban sa Pilipinas.

Ayon kay Cayetano naaapektuhan ang turismo ng bansa dahil sa mga nilalabas na travel advisory.

Sinabi pa ni Cayetano na sa katatapos na pakikipagpulong niya sa mga ambassador ng ibat ibang bansa, binigyang diin niya na importante sa Pilipinas  ang turismo at maging accurate sana sila sa pagpapalabas ng travel advisory dahil pangalan ng bansa ang nakataya rito.

Una rito, naglabas ng travel advisory ang United States, Australia at United Kingdom na maingat sa pagbiyahe sa Pilipinas pagkatapos ng mga nangyaring insidente sa Resorts World at Marawi City.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *