DFA Sec. Enrique Manalo magtutungo sa Argentina para sa official visit
Bilang paggunita sa ika-75 anibersaryo ng diplomatic relations ng Pilipinas at Argentina, bibiyahe para sa official visit sa Buenos Aires si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo mula September 11 hanggang September 16.
Inanunsiyo ng Department of Foreign Affairs na makakaharap ni Secretary Manalo si Argentine Minister for Foreign Affairs Santiago Andres Cafiero sa September 13.
Tatalakayin ng dalawa ang lumalalim na kooperasyon ng Pilipinas at Argentina sa science and technology gaya ng mapayapang paggamit sa nuclear energy at outer space; technical cooperation sa agrikultura; trade and investments; at cultural relations.
Magsasalita rin ang kalihim ukol sa matagal na bilateral relations at pagtutulungan ng Pilipinas at Argentina sa Universidad de Belgrano at sa pangunahing think tank doon na Consejo Argentino para Relaciones Internacionales (CARI).
Ayon sa DFA, ang Pilipinas ang unang ASEAN country na nakapagtatag ng ugnayan sa Argentina.
Moira Encina