DFA Secretary Teddy Locsin, hindi sinsero sa pagso-sorry kay VP Leni Robredo – Sen. Kiko Pangilinan
Plastik at hindi umano bukal sa kalooban ang pagso-sorry ni Foreign
Affairs secretary Teodoro Locsin Jr. kay Vice-President Leni Robredo na
tinawag nitong boba.
Ayon kay Senador Francis Pangilinan, pakitang tao lang at hindi umano
seryoso si Locsin sa naging tugon nito na “noted” sa mga pagtatanggol
niya kay Robredo.
Nauna nang iginiit ni Pangilinan na dapat makasuhan si Locsin at
papanagutin dahil sa paglabag sa Code of Conduct and Ethical standards
para sa Public officials dahil sa pagiging unprofessional, pambabastos
at panlalait sa Bise- Presidente.
Sinabi ni Pangilinan na hindi dapat ganito ang asta ng kalihim ng
Department of Foreign Affairs dahil tila inilalagay ang bansa sa
kahihiyan dahil sa magaspang na mga kilos at pananalita.
Ulat ni Meanne Corvera