DFA, tiniyak na walang Pinoy na nadamay sa lindol sa Papua New Guinea

Tiniyak ng Department of Foreign Affairs o DFA na walang namatay o nadamay na pinoy sa mahigit 100 pamilya na naapektuhan sa 7.5 magnitude na lindol sa Papua New Guinea.

Pero tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na patuloy nilang minomonitor ang sitwasyon ng Filipino community doon para matiyak na nasa ligtas silang lugar.

Ayon sa embahada ng Pilipinas sa Papua New Guinea, umaabot sa mahigit 36,000 ang mga Pinoy na nagtatrabaho at nakatira sa naturang bansa habang 300 ang nasa Solomon islands.

Personal nanang ipinaabot ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol ang pakikiramay ni Pangulong Duterte kay Papua New Guinea Prime Minister Peter O’Neill.

Nangako rin ang Pilipinas na mag -abot ng 1,000 sako ng bigas at mga canned goods para sa mga biktima.

 

Ulat ni Meanne Corvera

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *