DFA umapela sa mga Pinoy sa Libya na umuwi na sa Pilipinas
Umaapila na si Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin sa mga Pinoy sa Libya na magtungo na sa Embahada ng Pilipinas dahil sa tumitindi pang karahasan sa naturang bansa.
Kasunod ito ng apila ni Charge d’ Affaires Elmer Cato sa may 60 mga Pinoy na nagtatrabaho sa Ali Omar Ashkr Hospital sa Esbea na lumikas sa lalong madaling panahon.
Elmer Cato (on twitter):
“The area is no longer safe, please don’t wait for more artillery rounds to fail, please move to the Embassy now”.
Sinabi ni Cato na hindi na ligtas ang lugar dahil sunod-sunod na ang artillery attacks ng mga rebelde.
Batay sa records ng Department of Foreign Affairs (DFA), umaabot pa sa mahigit 1,000 ang mga Pinoy na nasa Tripoli, ang capital ng Libya.
Pagtiyak naman ni Cato, ipagpapatuloy ang voluntary evacuation.
Pero umaapila sila sa mga kamag-anak ng mga Pinoy sa Pilipinas na himukin ang kanilang mga kaanak na bumalik na sa pilipinas dahil tila walangtyansa na maresolba pa ang nagaganap na armed conflict.
Ulat ni Meanne Corvera