DFA, walang impormasyon kung dumating sa bansa ang ICC investigators
Hindi nakatanggap ng opisyal na ulat ang Department of Foreign Affairs (DFA) ukol sa sinasabing pagtungo sa bansa ng mga taga- International Criminal Court (ICC) na mag-iimbestiga sa war on drugs.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, walang impormasyon at walang nakipag-ugnayan sa DFA mula sa ICC.
Sinabi ng kalihim na hindi na rin miyembro ang Pilipinas ng ICC kaya hindi rin batid ng DFA ang proseso kung magtutungo ang mga ito sa bansa.
” I dont know. I don’t really know if they came… maybe rumors but I don’t know I haven’t received any reports ” ani ni Manalo.
Una nang sinabi ng DOJ na kailangang na mag-abiso sa gobyerno ng ICC investigators kung talagang nasa Pilipinas ang mga ito alinsunod sa International Law.
Matatandaang sinabi sa post sa social media ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na nagpunta sa bansa ang ICC para magsagawa ng imbestigasyon.
Pahayag naman ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Mico Clavano, ” Kumbaga parang pinasukan ka sa bahay ng isang stranger na walang paalam…sana naman tumimbre sila at magpaalam sila na nandito na sila sa Pilipinas. “
Moira Encina