Diabetes at Atake sa Puso

Diabetes at Atake sa Puso

Magandang araw mga kapitabahay !

Alam po ba ninyo na ang number one case of death ng mga taong may Type 2 diabetes ay heart disease o
sakit sa puso?

At batay sa mga pag-aaral, kapag ikaw ay may diabetes, mas mataas ng 2-
4 times na magkaroon ng heart disease kaysa sa mga pasyenteng walang
diabetes.

Paano nga ba naaapektuhan ng diabetes ang ating puso?
Sinagot po ito ni Dr. Irma Antonio-Pilar, endocrinologist and internist.

Ang sabi niya, sa pangmatagalang panahon na mataas ang blood sugar, puwede nitong
maapektuhan ang blood vessels.

Mga ugat sa utak, sa puso, sa paa, sa buong katawan.

At ang mga taong may diabetes ay may mga kundisyon nakapagpapataas
ng panganib ng sakit sa puso gaya ng hypertension, o mataas na bad cholesterol o
LDL ; o mataas ang triglyceride o mababa ang good cholesterol.

Isama pa rito ang risk factor ng sakit sa puso gaya ng paninigarilyo.

Kaya kung may diabetes ka kapitbahay, hindi ka dapat na naninigarilyo dahil nagpapakipot ito ng mga ugat sa puso, ugat sa utak.

Ang iba pang factors ng sakit sa puso ay ang pagiging mataba o obese.
Kapag kulang sa exercise o physical activity and even drinking alcohol.

Banggit pa ni Doc Irma kung paano alagaan ang puso lalo na kung diabetic.
Unang-una, maging healthy ang diet.

Kapag sinabing healthy diet, more on fresh fruits and vegetables, lean protein, whole grains at iwas sa processed foods like chips, matatamis na pagkain or fast foods, uminom ng maraming tubig at iwasan ang softdrinks.

Always aim fort a healthy weight.

Kung ang isang pasyente ay nawawalan o may weight loss na 5-7 percent ng present body weight ay malaking impact na ito sa blood pressure ng pasyente, sa cholesterol and blood sugar level.

Pero, hindi dapat na maging abrupt o biglaan na bumaba ang timbang.

Kailangan ay physically active at hindi sedentary.

Kung physically active magiging sensitive ang katawan sa insulin.

Kapag nag-e-exercise, mas nag-iimprove ang blood sugar level at bumababa ang risk sa sakit sa puso.

Panghuli, kailangang ma-manage ang blood sugar level.

Keep your blood pressure sa 140/90. Kailangan ay normal ang BP, kapag mataas dito ay mas maraming kumplikasyon ang makikita sa pasyente.

Isa pa, manage your cholesterol level.

Ang cholesterol ay nagdedeposit sa
walls ng blood vessels para kumipot ang mga ugat.

Stop smoking, nagpapakipot ito ng ugat at manage your stress.

Ito ang paalala ni Doc Irma, huwag tayong in denial.

Kapag na-diagnose na ikaw ay may diabetes, gamutin na!

O ayan mga kapitbahay, now you know!

Please follow and like us: