Diabetic Ka ba ?
Great morning, mga kapitbahay!
Alam n’yo ba na sabi ni Dr. Irma Antonio-Pilar, isang Endocrinologist na nakakwentuhan natin sa programa, dumarami pa ang bilang ng mga nagkakasakit ng diabetes.
Itinuturing na nga itong isang global pandemic dahil sa mahigit sa 500 milyung katao na ang may diabetes sa boong mundo, at lumalabas na isa sa bawat sampung indibidwal, may diabetes.
Banggit ni Doc Irma, ang diabetes ay isang sakit kung saan nagkakaroon ng mataas na asukal sa dugo.
Ito ay resulta ng depekto sa insulin secretion.
Ang mahirap sa diabetes ang mga sintomas ay nararamdaman kung kailan medyo late na.
At kapag naramdaman ang sintomas, ibig sabihin may diabetes ka na.
Actually, ang pinaka common na sintomas ng diabetes ay ‘wala!
Wala itong sintomas sa early stage.
Ang problema nga kapag late na, may kumplikasyon na.
Puwedeng ang kumplikasyon ay sa mata, sa puso, sa utak, sa kidney, and even amputation, kapag nagkaproblema na sa ugat sa paa dahil nga sa diabetes.
Ang risk factors ay may kinalman sa ating lifestyle, kapag sedentary ang lifestryle.
Naku, lalo na nga nitong nagkaron tayo ng pandemic kung saan ang mga tao ay nasa pamamahay lang kaya limitado ang pagkilos at paggalaw natin.
Another risk factor ay kung may family history o kung may lahi.
Ang sabi ni Doc Irma, pagtuntong natin ng 40 years old ay mabuting magpatingin na tayo sa doktor kung mataas na ang blood sugar natin, lalo na sa mga babaeng nagkaron ng gestational diabetes habang sila ay nagbubuntis, kapag may hypertension o abnormal ang cholesterol.
Samantala, nasabi din ni Doc Irma na ang normal blood sugar ay less than 100 mg/dl after fasting.
Diabetic na kapag umabot sa 126 mg/dl.
Binigyang-diin niya na sa diabetes, kahit hindi kumain ng maghapon ay mataas pa rin ang blood sugar.
Ito ay dahil part or bahagi lang ang pagkain sa pagmamanage ng diabetes.
Once na ma-diagnose na may diabetes, 50 percent ng pancreatic function, ito ‘yung organ na gumagawa ng insulin sa katawan ay apektado na.
Ang pagmanage ng blood sugar ay hindi lang sa pagkain, dapat kasama ang exercise, pag-inom ng gamot at follow-up sa doktor.
Ayan mga kapitbahay , sana ay nakatulong ang ginawa nating pakikipanayam kay Doc Irma tungkol sa diabetes para na rin sa karagdagang kaalaman.
Hanggang sa susunod ulit, ito si Julie Fernando, ang inyong kapitbahay !