Diabetic ka ba? Ito ang dapat mong malaman!

Image by Arek Socha from Pixabay

Mga kapitbahay, alam po ba ninyo na ang isang may sakit na diabetes ay mas mataas ang panganib na magkaroon ng pneumonia?

Ito po ang banggit ni Dr. Irma Antonio-Pilar, Internist, sa programang Kapitbahay.


Sabi niya, mas mataas din ang ang risk ng isang may diabetes na ma-ospital at mamatay dahil sa pneumonia.

Bakit mas mataas na magkaroon ng severe pneumonia kumpara sa mga hindi diabetic?


Kasi, sabi niya, kapag may diabetes ang pasyente, mas mahina ang panlaban sa infection, mas mahina ang resistensya.

Kaya kapag nagka-pneumonia, viral o bacterial man mas nagkakaroon ng kumplikasyon kaya na-oospital at mataas ang chance na mamatay sa pneumonia.

Paano ba maiiwasan na magkapneumonia ang isang diabetic?

Mahalaga ang bakuna.

Kailangan ang pneumonia vaccine, need din ang flu vaccination.

Kapag naninigarilyo dapat ay magquit na.

Isa pa, importanteng ma-manage ang blood sugar, nasa normal level dapat.

Gayundin dapat na ma-maintain ang overall health.

Ibig sabihin, kumain ng balance diet, stay active (importante ang exercise), isa pa magkaroon ng good hygiene (maghugas ng kamay palagi).

Talagang inirerekomenda ang pneumonia, flu at covid vaccination lalo na sa mga may diabetes.

Subalit kailangan din ito kahit ng mga hindi diabetic lalo na kapag na stroke, may problema sa kidney, problema sa atay o mga naninigarilyo.

Banggit din ni Doc na ang pneumonia vaccine ay ibinibigay yearly, meron ding every 2 or 3 years at meron ding lifetime na ang proteksyon.

Yun daw 2-3 years ang presyo ay nasa 3-4 thousand pesos at ang lifetime ay nasa 5k.

Actually, meron ding ibinibigay na libreng pneumonia vaccine para sa mga senior citizen sa mga health center, dapat lang na magtanong sa mga barangay.

Ilang mga mahahalagang impormasyon na sana ay makatulong sa inyo mga kapitbahay!

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *