Diarrhea outbreak sa probinsiya ng Medina Misamis Oriental, dalawa na ang patay mahigit limang daan ang nasa ospital – DOH

Nagpalabas na report ang Department of Health sa naganap na diarrhea outbreak sa probinsiya ng Medina, Misamis Oriental.

Batay sa report, tumaas pa ang bilang ng kaso sa 517 at dalawa na ang patay mula ng magpositibo sa presensiya ng tubig dagat ang 30 taong gulang na water pipelines ng Medina Rural Waterworks and Sanitation Cooperative o (MERWASCO).

Ang nasabing kooperatiba ang nagsusuplay ng tubig sa aabot 11 barangay sa nasabing lugar.

Base sa imbestigasyon ng Regional Epidemiology Surveillance and Disaster Response Unit X (RESDRU X) nasa 17 mula sa 19 na barangay ng Medina ang apektado.

Bukod sa diarrhea nakaranas ang unang 200 pasyente ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, panghihina at anorexia.

Samantala,  19 naman ang nagpositibo sa cholera.

Batay sa salaysay ng mga biktima, naging maalat ang tubig ng mainom nila ito noong Hunyo 1 hanggang Hulyo 1.

Agad namang nag-utos si DOH Sec Paulyn Ubial, na maglunsad ng cholera vaccination ang ahensya iba’t-ibang bahagi ng probinsya.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *