DICT, kinakalampag na ni Senador Angara sa mabagal na implementasyon ng free Wifi sa mga State Colleges and Universities
Dimasyado na si Senador Sonny Angara sa mabagal na implemetnasyon ng libreng Wifi sa bansa, partikular sa mga State Colleges and Universities.
Ayon kay Angara, sa datos ng Department of Information and Communications Technology o DICT, dalawa pa lamang 112 SUC’s ang nabigyan ng libreng internet gayong matagal na itong naaprubahan ng Kongreso.
Nalulungkot si Angara dahil ipinaglaban nya maponodohan ang instalasyon ng libreng Wi-Fi sa lahat ng SUCs sa buong bansa sa ilalim ng “Pipol Konek Project” katunayang nabigyan ito ng alokasyon na umaabot sa 327 million pesos.
Iginiit ni Angara na malaking tulong ang Internet Access sa mga estudyante para sa kanilang research at makagawa ng mga aralin na hindi na kinakailangang gumastos.
Binigyang-diin ni Angara, Vice- chairman ng Finance committee ng Senado na ipinaglaban niya ang kaukulang budget para sa DICT ngayong taon sa pag-asang agad na mapopondohan ang instalasyon ng libreng Wi-Fi sa lahat ng SUCs sa buong bansa, gamit ang 327 milyong pisong alokasyon para sa proyekto.
Senador Angara:
“Tayo po ay nadidismaya sa napakabagal na pagpapatupad ng libreng Wi-Fi para sa ating mga mag-aaral. Napakalaking tulong nito lalo na sa mga estudyanteng malayo sa kanilang pamilya. Isa ang internet sa mga tulay na namamagitan sa mga magkakaibigan, magkakamag-anak upang kahit na magkakalayo ay mapananatili ang kani-kanilang komunikasyon”
Pagpapaliwanagin ni Angara sa Budget hearing ng Senado sa pagbabalik ng sesyon ang mga opisyal ng DICT sa delay ng implementasyon ng proyekto.
Ulat ni Meanne Corvera
Please follow and like us: