DICT, maglalabas ng panuntunan sa paggamit ng social media ng mga empleyado ng gobyerno
Magkakaroon na ng panuntunan sa paggamit ng social media ang mga empleyado ng gobyerno.
Ito ay ipalalabas ng Department of Information and Communications Technology o DICT.
Ayon kay DICT Assistant Secretary Kris Ablan, pinangunahan ng Presidential Communications Operations Office ang paggawa ng Social Media Policy.
Inaasahan na maipapatupad ito bago ang isasagawang State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Dagdag pa ni Ablan, magsasagawa ng social media office ang PCOO para sila na rin ang mamamahala ng accreditation ng mga social media bloggers.
Please follow and like us: