DICT nagkaloob ng free WiFi sa Kalinga
Ikinabit na ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ang WiFi access points sa paligid ng kapitolyo ng Kalinga, Kalinga Provincial Hospital at sa Kalinga State Univerity.
Ang proyektong ito ay bilang pagsasakatuparan ng DICT Free WiFi for all – Free Public Internet Acces Program, na ipinakilala na noon pang 2016 dito sa Pilipinas.
Sa isinagawang data speed testing, ang naitalang internet speed ay umabot sa 10mbps.
Sa kabuuan, mayroon ng 6 na Free WiFi for all access points sa Kalinga, ang iba ay nasa Tabuk City Health Office, sa Agbannawag Evacuation Center-Quarantine area at ang isa pa ay nasa Rizal Public Library.
Madali lang ang pagkonekta sa Free WiFi for all na ito dahil hindi na nangangailangan ng anumang password basta masunod lamang ang log in instruction na ibinigay.
Malaking tulong ang ganitong programa ng Pamahalaan lalo na at libre para sa publiko.
Ulat ni Xian Reno Alejandro