Digital vs Aneroid Sphygmomanometer
Happy day mga kapitbahay!
Sa lahat ng nakababasa ng artikulong ito, kumusta na?
Regular ba kayong nagpapakuha ng blood pressure o kayo na mismo ang kumukuha at nagmomonitor ng inyong bp?
Ano ba ang gamit ninyo, manual o digital?
Alam ninyo mga kapitbahay naitanong ko kay Dr. Rylan Flores, orthopedic surgeon, ang ukol sa ginagamit nating gadget sa pagkuha ng bp at ito ang kanyang banggit sa atin na gusto ko namang ibahagi sa inyo.
Itinanong ko kasi sa kanya kung reliable ba ang digital na pangkuha ng bp kung ikukumpara sa manual?
Ang tugon niya, sa totoo lang naman, ang digital ay reliable naman at comparable sa manual o aneroid sphygmomanometer, kaya lang minsan sinasabing hindi reliable ang digital dahil hindi naka-calibrate.
Marami kasi ang nakabili ng digital lalo pa nga’t napaka convenient nito kahit walang kasama sa bahay ay puwede nang makuha mo ang blood pressure mo.
Hindi mkatulad ng manual na may pagkasalimuot ika nga, lalo pa at hindi ka marunong gumamit .
But the problem is, sa digital, depende sa kung gaano kadalas ginagamit either every 6 months or every year or ‘yung iba every two years, dapat kina-calibrate.
Supposedly, dinadala o ibinabalik ito sa manufacturer o maker dahil meron silang calibrators para matiyak na tama at akma ang pag-function nito.
Ang problema kasi sa marami, isang dekada na hindi na na-calibrate kaya talagang nagkakaroon na ng pagkakamali, kaya parang hindi na siya reliable.
Kaya nga kung mapapansin, kapag inihambing sa makalumang bp monitor o ‘yung manual na aparato ay nag-iiba na ang resulta, kaya sinasabing hindi reliable.
Pero, kung bago naman, maayos o calibrated ang unit, definite ang resulta o tama ang readings.
Samantala, dagdag pa ni Doc Rylan, kapag kukuha tayo ng blood pressure, hindi ‘yung kakakain lang natin. Kung sakaling kakakain lang, palipasin muna ang isang oras . At kung alam mo naman na kukuhanan ka ng bp, huwag ka na munang kumain.
O ayan, ang ilang karagdagang impormasyon na puwede nating maishare sa iba pa nating mga kapitbahay.
Until next time !