Dila Huwag Maliitin
Ang dila ay napakahalaga. Makapagsasalita o makalulunok kaya kung walang dila? Ang trabaho ng ngipin ay durugin ang pagkain, pero si dila, nagtutulak o nagpapalunok.
May mga taong maikli ang dila, kaya hindi makapagsalita ng maayos o hindi nakakalunok ng mabuti. Ang dila ay may standard length papunta sa ngalangala. Lahat sa bibig ay measured, kapag below sa measurement, may problema.
Kapag itinaas ang dila sa ngalangala, it is about 16 mm, kapag hindi naabot ng dila, ibig sabihin may problema. Ang dila natin ay may lapad at ang resting position ay nakadikit ang dila sa ngalangala.
Minsan may nasal voice kasi makitid ang ngalangala. Kapag hindi kumakain o hindi nagsasalita dapat si dila ay nakadikit sa ngalangala.
Ulitin ko lang na ang resting position dapat ng dila ay nasa ngalangala palagi. Kapag ganito, mas magiging maginhawa ang ating paghinga.