DILG, humingi na ng guidance sa SC kaugnay ng Makati-Taguig territorial dispute
Humingi na umano ng guidance sa Korte Suprema ang Department of Interior and Local Government (DILG), kaugnay ng Makati-Taguig territorial dispute.
Paliwanag ni DILG Sec. Benhur Abalos, complex case ito kaya maraming ahensya ang sangkot.
Wala pa rin umanong writ of execution patungkol dito.
Sa desisyon ng SC, 10 barangay sa Makati ang magiging sakop na ng Taguig, habang nananatili ring sakop nito ang Bonifacio Global City o BGC.
Noong Abril 3, una nang inilabas ng SC ang final and executory decision nito sa 3 dekada ng dispute sa pagitan ng dalawang lungsod.
Mas binigyang bigat ng SC ang historical, documentary at testimonial evidences na iprinisinta ng Taguig.
Ang ilang apektadong residente naman ng Makati City ay hati ang opinyon.
Ang iba handa na raw na mailipat ang kanilang address sa Taguig.
Ang iba gusto na raw malipat sa Taguig dahil gusto nilang maranasan ang sistema roon.
Meron namang iba na gustong manatili sa Makati dahil mas gusto nila ang benepisyong natatanggap doon.
Ang iba naman ay kinakabahan daw dahil sa pagbabago gaya ng address sa ID.
Madelyn Moratillo