DILG Usec. Martin Diño,misqouted sa isyu ng Community pantry
Pinabulaanan ni Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño ang kumalat na balitang kinakailangan pang kumuha ng permit sa lokal na pamahalaan ang organizer ng community pantry.
Sinabi ni Diño sa panayam ng Eagle in action na hindi kailangan ang permit mula sa local government o barangay clearance para makapaglagay ng community pantry, ang kailangan lang ay makipagcoordinate sa barangay.
Mahalaga anya ang pakikipag coordinate sa barangay para maayos na maipatupad ang health protocol at hindi makalabag lalo na sa social distancing.
Kung makikipag -ugnayan sa barangay, makakatuwang ang mga barangay Tanod sa pagpapanatili Ng kaayusan lalo pa nga’t kinukuyog o dinadagsa ng tao.
Dagdag pa ng opisyal na maganda man ang layunin o intensyon subalit kung magiging daan naman ng pagkakahawahan , posibleng mauwi sa problema maliban pa sa magiging malaki ang pananagutan ng barangay kapitan.
Samantala, saludo si Diño sa mga kababayan natin na naglalagay ng community pantry dahil sa marami ang natutulungan .
Julie Fernando