Dimissal order ng DOJ prosecutors sa kasong drug trafficking kina Kerwin Espenosa, Peter Lim at Peter Go hindi pa pinal ayon sa Malacañang
Hindi pa pinal ang dismissal order ng Office of the Prosecutor General ng Department of Justice sa kasong drug trafficking na kinakaharap nina Kerwin Espenosa, Peter Lim at Peter Co.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque ang desisyon ni Prosecutor General Jorge Catalan na idismiss ang kasong drug trafficking kina Espenosa, Lim at Co ay sasailalim pa sa review ng tanggapan ni Justice Secretary Vitalliano Aguirre II.
Ang dismissal order ng DOJ Prosecutors Office sa kaso nina Espenosa, Lim at Co ay dahil sa kakulangan ng ebidensiya”
Sina Espenosa, Lim at Co ay kinasuhan ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group o PNP CIDG dahil sa pagkakasangkot sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa subalit dinismiss ng Prosecutor General noon panh December 20, 2017 at itnago sa media.
Mariing binabatikos ngayon ng mga kritiko ng Pangulo ang desisyon ng Prosecutor General dahil maituturing itong setback sa anti illegal drug campaign ng administrasyon.
Ulat ni Vic Somintac