Disaster Preparedness isinusulong na maisama sa Curriculum ng elementarya at high school students
Nais ni Senador Sonny Angara na isama na sa curriculum ng mga estudyante sa elementarya at high school ang pagtuturo ng Disaster preparedness and mitigation.
Sa harap ito ng pananalasa ng Super Typhoon Ompong partikular na sa Northern Luzon region.
Sa kaniyang inihaing Senate Bill 1944 sinabi ni Angara na mahalaga na may tamang impormasyon ang mga kabataan sa paghahanda sa mga kalamidad lalot ang pilipinas ay dinadaanan ng 20 bagyo kada taon at prone sa mga earthquake, volcanic eruptions at iba pang kalamidad.
Senador Angara:
“The Philippines is perhaps one of the most disaster-prone countries in the world. Every year, about 20 typhoons enter the Philippines with their strong winds, storm surges and flood damaging many properties”.
Layon ng panukala ni Angara na bawasan ang posibleng casualties at pagkasira ng ari atian dulot ng natural disasters.
Kung mapagtitibay ng dalawang kapulungan, aatasan ang Department of Education na bumalangkas ng rules and regulations hinggil dito.
Ulat ni Meanne Corvera