Disbarment laban kay UST Law Dean Nilo Divina at mga abugadong miyembro ng Aegis Juris fraternity, inirekomenda na ng Senado
Pinagbibitiw na sa pwesto ng Senado ni Atty. Nilo Divina, ang dean
ng University of Sto. Tomas faculty of Civil Law kaugnay ng pagkamatay
ng UST law student na si Horacio Atio Castillo III..
Sa inilabas na Senate Committee report 232 ng Committee on Public
Order and Dangerous drugs at Justice Committee na pirmado ng
16 na senador, sinabi ng mga mambabatas na kahit may
impormasyon na sa pagkamatay ni Castillo, bigo si Divina na ireport
ito sa mga otoridad.
Inirekomenda na rin sa Korte Suprema ang disbarment proceedings laban
kay Divina at 18 mga abugadong miyembro ng Aegis Juris fraternity.
Ang korte suprema ang may karapatan na magpataw ng disciplinary action
laban sa mga abugado na nakagawa ng paglabag sa batas,
Ayon kay Senador Panfilo Lacson, chairman ng komite, napatunayan sa
imbestigasyon na nagkaroon ng sabwatan para itago ang pagpatay kay
Castillo.
Nagsinungaling raw si Divina nang sabihin nitong wala na itong ugnayan
sa Aegis Juris mtapos siyang maitalaga bilang dean ng UST noong 2009.
Katunayan, nakakuha pa ang komite ng mga larawan ni Divina kung saan
dumalo pa ito sa mga anniversary at ipang pagtitipon ng Aegis Juris.
Bukod dito, pinayagan ni Divina na makapag -enroll sa law ang anim sa
sampung suspek sa pagpatay kay Castillo kahit pa bigo ang mga ito na
maabot ang academic standards.
Ang nasabing mga abugado ay sina:
- Atty. Marvi Abo
- Atty. Alston Kevin Anarna
- Atty. Edzel Bert Canlas
- Atty. Cecillo Jimeno
- Atty. Ferdinand Rogelio
- Atty. Eric Fuentes
- Atty. Cesar Ocampo Ona
- Atty. Gaile Dante Acuzar Caraan
- Atty. Henry Pablo Jr.
- Atty. Jet Dela Pena Villaroman
- Atty. Cesar Dela Fuente
- Atty. Nino Kjell Servañez
- Atty. Manuel Angelo Ventura III
- Atty. Michael Vito
- Atty. Arthur Capili
- Atty. Irvin Joseph Fabella
- Atty. Edwin Uy
- Atty. Allan Christpher Agati
Napatunayan sa imbestigasyon ng senado na kasama na sa patakaran ng
Aegis Juris ang hazing at pag-torture sa mga miyembro ng umaanib sa
kanilang organisasyon.
Sen. Ping Lacson:
“Hazing is a practice of the Aegis Juris Fraternity. No less than
three members of the fraternity, namely, John Paul Solano, Jason
Adolfo Robiños and Marc Anthony Ventura, who joined the fraternity on
different academic years, testified under oath that they were mentally
tortured, slapped, punched and paddled as conditions precedent to
becoming members of the said fraternity. Based on the testimonies of Solano and Ventura, both of them acknowledged the fact that Atio was a neophyte of the fraternity and that he underwent initiation rites si Castillo ay namatay dahil sa tinamong pasa at sugat sa katawan dulot ng pagpapahirap sa kaniya sa iniatiation rites”.
Mr. President, with respect to the University of Santo Tomas, we find
that it failed to exercise due diligence in ensuring the
implementation of the Anti-Hazing Law. Based on the testimony of its
representative, the university’s denial as to the ongoing hazing
practices of the fraternity was based solely on a signed document
entitled “Commitment to Anti-Hazing Law” which the university requires
from every fraternity and sorority requesting to be acknowledged”.
Bukod kay Divina at mga miyembro ng Aegis Juris, may pananagutan rin
aniya ang eskwelahan dahil sa kabiguang pigilan ang mga kaso ng hazing.
Kasabay nito, inirekomenda rin ng senado ang tuluyang pagbabawal ng
hazing o anumang uri ng initiation rites
Pina-aamyendahan na sa senado ang Republic Act 8049 o Anti Hazing law
para tuluyan nang ipagbawal ang lahat ng uri ng initiation rites.
Sakop nito ang mga fraternities, sororities o anumang organisasyon kasama
na ang military at citizens army training.
Nais rin ng senado na simplehan ang parusang ipinapataw sa paglabag sa
anti hazing law kung saan kasama nang paparusahan ang mga miyembro ng
fraternity o mga nakasaksi lang sa initiation rites kahit hindi
direktang sumama sa ihazing.
Ulat ni Meanne Corvera
=== end ===