Diskusyon sa Mandatory Registration ng Prepaid Simcard bubuhayin sa Senado
Nais ng mga Senador na muling talakayin ang panukalang batas para sa mandatory na pagpaparehistro ng mga Prepaid simcard.
Naaprubahan na ito noong 18th Congress pero iveneto ni Pangulong Duterte dahil sa probisyon na nag- oobliga sa publiko na kasamang iparehistro ang kanilang mga social media accounts.
Sa panukala ni Senador Grace Poe sinabi nitong napapanahon nang ipasa ang panukala para masawata ang pagnanakaw at panloloko gamit ang mobile phones at internet na bumibiktima sa milyon – milyong mga Pilipino.
Marami na aniyang Pilipino ang nabiktima ng mga text scam kaya dapat lang papanagutin ang mga gumagawa ng panloloko at panlalamang ng kapwa.
Naghain rin ng hiwalay na panukala para sa Mandatory sim card registration sina Senador Juan Miguel Zubiri at Ronald bato Dela rosa.
Kapwa sinabi nina Zubiri at Dela rosa na ang kanilang inihaing panukala kay katulad ng pinagtibay ng Kamara noong 18th Congress kung saan hindi kasama ang probisyon para sa social media.
Ang naturang probisyon ay ipinasok sa bersyon ng Senado para mapigilan umano ang pagkalat ng fake news.
Meanne Corvera