Dismissed Mayor Alice Guo sumipot sa pagdinig ng DOJ sa reklamong perjury at falsification of notary laban sa kaniya

Dumalo sa pagdinig ng Department of Justice (DOJ) si dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kaugnay sa mga reklamong perjury at pamemeke ng notaryo laban sa kaniya.

Courtesy: Senate of the Philippines

Ang reklamo na inihain ng NBI ay kaugnay sa pagsusumite noon ng kampo ni Guo ng palsipikadong kontra-salaysay sa DOJ.

Batay sa imbestigasyon ng NBI, napatunayan na wala na sa bansa si Guo nang isumite ang counter-affidavit na sinasabing pinanumpaan nito nang personal sa notary public, at nakumpirma rin na ibang tao o hindi lagda ni Guo ang nasa dokumento.

Ayon sa abogado ni Guo na si Atty. Stephen David, isinumite nila sa hearing ang kontra-salaysay laban sa reklamo.

Screen grab from net25.com

Iginiit ni David na dapat mabasura ang reklamo laban sa kaniyang kliyente, dahil nakaalis na ito ng bansa at walang aktuwal na partisipasyon sa pamemeke ng notaryo.

Ayon kay David, “Ang depensa namin, di siya dapat makasuhan ng falsification at perjury. Unang una, wala siya rito, anong participation niya sa authorization. Hindi porke’t inutusan mo e yun na yung kaso, ang kailangan diyan yung act talaga na nagfalsify ng notarization mo.”

Nanindigan din ang abogado na pirma ni Guo ang nasa kontra-salaysay, dahil ito ay nilagdaan bago pa man umalis ng bansa ang na-dismiss na alkalde.

Ang dapat aniyang sumagot sa kaso ay ang notary public na pumayag na inotaryo ang dokumento nang hindi kaharap si Guo.

Aniya, “Siya naman pumirma doon. Presigned kasi yan, so wala akong nakikitang falsification doon. Kung sino yung nagnotaryo, yun ang dapat tanungin natin.”

Moira Encina-Cruz

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *