Disneyland fans labis ang tuwa sa muling pagbubukas ng parke sa California
ANAHEIM, United States ( AFP) – Pila ang fans na nakasuot ng Mickey Mouse ears habang hinihintay ang muling pagbubukas ng Disneyland sa California, matapos ang higit 400 araw makaraang sapilitan itong magsara dahil sa pandemya.
Ayon sa 55-anyos na nanay na si Momi Young-Wilkins . . . “It is the greatest feeling ever! I promised my daughters we would be back here on opening day, and I made it happen.”
Ang Disneyland Park — ikalawang pinaka binibisitang theme park sa buong mundo at ang katabi nitong Disney California Adventure Park, ang pinakamatagal na nagsara sa lahat ng globe-spanning parks ng Mouse House.
Subalit dahil ipinagmamalaki na ngayon ng Golden state na sila ang may pinakamababang per capita infection rate, kayat binuksan na nito ang parke na labis namang ikinatuwa ng marami.
Sa loob ng parke ay 25% capacity lamang ang pinapayagan, at tanging California residents lamang na may reservations ang pwedeng pumasok ng grupo-grupo, na restricted lamang sa tatlong sambahayan.
Hanggang nitong Biyernes ng umaga, sold out na ang tickets para sa susunod na pitong linggo, ang available spots na lamang sa May at June ay mangangailangan ng special tickets na magbibigay din sa visitors ng access sa Disney California Adventure.
Mandatory ang face masks at lahat ay daraan sa temperature check. Suspendido muna ang sikat na Disneyland parades at nightime spectaculars para maiwasan ang pagtitipon-tipon ng maraming tao.
Ang mga staff naman na nakauot ng Disney costumes na kilala sa tawag na “cast members” at nasa isang “safe diatance”ay kaway na lamang ang maaaring ibigay sa mga bisita dahil bawal na ang yakap, pero maaari naman silang maging background sa selfies.
Ayon sa disneyland president na si Ken Potrock, nagamit naman ang mahabang panahong sarado ang parke para gumawa ng mga karagdagang atraksyon, gaya na lamang ng Snow White Enchanted Wish, King Arthur Carousel at Haunted Mansion.
Nakatakda namang magbukas sa Disney Calufornia Adventure sa Junr, ang Marvel superhero-themed Avengers Campus.
May ilang rides na mamamalaging sarado dahil sa pandemic safery reasons gaya ng Finding Nemo Submarine Voyage at monorail, habang ang iba naman gaya ng Jungle Cruise ay sarado para sa maintenance at upgrades.
Ayon kay Yong-Wilkins . . . “My daughter’s been coming here for 17 years since she was born — so it’s like a family memory. We always feel like this is the happiest place for our family to be.”
© 1994-2021 Agence France-Presse