Divisive na panukalang batas ng isang kongresista
Isa sa kontrobersyal na isyu ngayon ay ang panukalang palitan ang pangalang Ninoy Aquino International Airport o NAIA at gawing Ferdinand E. Marcos International Airport.
May ilang na nagpapayo kay Pangulo Bongbong Marcos, ito ‘yung masasabing unsolicited advise na mag-ingat siya sa mga nagpapakilalang kaalyado niya umano sa Kongreso pero tila baga ngayon pa lamang ay lihim na winawasak na si Pangulong Bongbong .
Bakit ko ito nasabi?
Meron kasing mambabatas na nagsasabing kapanalig ng Pangulo pero gumagamit lamang ng taktika.
Na ang layunin ay para umani ng batikos ang Pangulo.
Si Negros Oriental 3rd District Representative Arnulfo Teves Jr., ay naghain ng panukalang batas na ang NAIA ay gawing Ferdinand E. Marcos International Airport. Sa unang tingin, okay naman, maganda hindi ba lalo na sa mga tagasuporta ng Pangulo?
Pero, kung susuriin parang tila baga lihim na sinisiraan si Pangulong Bongbong .
Bakit?
Sa halip kasi na ‘yung orihinal na plano na inihain noong 18th Congress na hindi naaksyunan, eh, nang- intriga pa.
Bubuhayin pa ang away ng pamilya Marcos at pamilya Aquino na lalong magdudulot ng pagkakabaha-bahagi ng bansa.
Mabuti sana kung ini-refile na lang ni Cong. Teves Jr., yung original na panukalang batas na ‘ yung NAIA ay ibalik sa orihinal na pangalan na Manila International Airport .
Ayon nga sariling political analyst, ang pagpapa-file ni Congressman Teves Jr., ay lalo lamang lilikha ng gulo sa bansa .
Kaya akala mo ay kapanalig pero lihim pa lang kaaway.
Ano ang masasabi ninyo mga ka-Isyu?
Kaya nga nang itanong sa Malakanyang ang ukol sa isyu ay ‘no comment .’
Malamang na hindi tanggapin ito ni Pangulong Bongbong ito dahil divisive, ang panuklalang ito.
Sana naman bago gumawa ng anomang panukala, isipin muna kung ano ang posibleng ibubunga lalo na kay Pangulong Bongbong Marcos.