Djokovic at Medvedev, maghaharap sa US Open final
Makakaharap ni Novak Djokovic si Daniil Medvedev sa final ng US Open, matapos niyang talunin ang Tokyo Olympic champion na si Alexander Zverev sa semi-finals kahapon (Biyernes, Sept. 10, 2021).
Tinalo ng top-ranked na si Djokovic ang German fourth seed sa score na 4-6, 6-2, 6-4, 4-6, 6-2 para makarating sa final na gaganapin bukas sa Arthur Ashe Stadium kung saan makakatunggali niya ang Russian second seed na si Medvedev.
Ayon kay Djokovic . . . “I’m going to treat the next match like it’s the last match of my career. There’s only one more match left. All in. Let’s do it. I’m going to put my heart and my soul and my body and my head into that one.”
Sakaling manalo, ito ang magiging unang calendar year Slam ng 34-anyos na Serbian, na una nang nakamit ni Rod Laver, 52 taon na ang nakalilipas noong 1969.
Kapag magkataon, Ito rin ang magiging fourth career US Open title at 21st overall Slam crown ni Djokovic.
Ibig sabihin ay makakaungos siya ng isang puntos sa all-time record na pare-pareho nilang hawak ngayon ni Rafael Nadal at Roger Federer, na kapwa hindi nakapaglaro sa US Open dahil sa injuries.
Samantala, dinaig naman ng 2019 US Open runner-up na si Medvedev, ang Canadian 12th seed na si Felix Auger-Aliassime sa score na 6-4, 7-5, 6-2 para makarating sa kaniyang third career Slam final.
Ang US Open final ay rematch ng Australian Open noong Pebrero kung saan si Djokovic at Medvedev din ang naglaban.
Ayon kay Medvedev . . . “If I can make this, I’ll probably be in the history books a little bit somewhere like not letting him do this. But I don’t really care about it. I think it’s more about him, that it affects him.”
Si Djokovic ay nanalo na ng 27 sunod-sunod na Slam matches, kulang na lamang ng tatlo para tapatan ang all-time record niya ng 2015 at 2016, kung saan napanalunan niya ang lahat ng apat na major titles.