Djokovic, malamang na di maglaro sa Australian Open, ayon sa kaniyang ama
Malamang na di makapaglaro sa Australian Open sa Enero si Novak Djokovic dahil sa mandatory COVID-19 vaccination rules.
Ito ang sinabi ng ama ng World No. 1 tennis player, kung saan inihalintulad nito ang naturang restriksiyon sa “blackmail”.
Matatandaan na tumanggi ang 34-anyos, na sabihin king siya ay bakunado na laban sa coronavirus.
Tatangkain ni Djokovic na makuha ang kaniyang record-breaking 21st Grand Slam title sa Melbourne, ngunit sinabi ni Australian Open tournament chief Craig Tiley na lahat ng manlalaro ay dapat magpabakuna para makalahok sa torneo.
Ayon sa ama ni Djokovic na si Srdjan . . . “Because he is a sportsman and there are a lot of our people, the (Serbian) diaspora, there who would be delighted to see Novak. But I really don’t know if that will happen. Probably not under these conditions, with this blackmail and when it’s done that way.”
Ipinagtanggol ni Srdjan Djokovic ang ekslusibo at personal na karapatan ng kaniyang anak na magpabakuna o hindi, at sinabing maging siya ay hindi alam kung nabakunahan na si Novak.
Sinabi ni Tiley nitong nakalipas na linggo na . . . “Djokovic has said that he views this as a private matter for himself, We would love to see Novak here. He knows that he’ll have to be vaccinated to play here.”
Si Djokovic, na isang nine-time Australian Open champion, ay kapantay ng mga dati na niyang karibal na sina Rafael Nadal at Roger Federer na kapwa may tig 20 20 Grand Slam singles titles na.
Nahawaan siya ng COVID-19 sa panahon ng Adria Tour event na inorganisa niya sa Balkans noong June 2020, ngunit sinabi niya na hindi siya nagkaroon ng anomang sintomas. (AFP)