DOE at NGCP pinapakilos sa power crisis sa Western Visayas
Pinaaaksyunan ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa Department of Energy (DOE) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang nangyayaring blackout sa Western VIsayas.
Ayon kay Zubiri, kailangang panghimasukan na ng DOE ang problema bago pa tuluyang mag-pull-out ng negosyo ang mga negosyante doon.
Dismayado na si Zubiri sa aniya’y pagiging inefficient ng mga namumuno sa Panay Diesel Power Plant 1 at hindi sya naniniwalang ang pumasok na ahas ang dahilan ng blackout.
Dahil aniya sa nangyayaring power outages na tumatagal na ng mahigit sampung oras, karamihan sa mga negosyo doon nagbawas na rin ng kanilang operating hours.
Paano aniya papasok ang mga dayuhang negosyante sa Pilipinas kung mahal na nga, wala pang suplay ng kuryente.
Meanne Corvera