DOE, dapat nang maghanda ng contingency plan kasunod ng pagnipis ng suplay ng kuryente
Pinayuhan ni House Committee on Energy Vice Chair Carlos Uybarreta ang Department of Energy (DOE) at Energy Regulatory Commission (ERC) na maglatag ng contingency plan sa nagbabadyang kakulangan o pagnipis pa ng suplay ng kuryente.
Giit ni Uybarreta, nakakabahala ang mga nangyayaring power outages nitong mga nakaraang buwan at ang madalas pang paglalabas ng yellow alert advisory hanggang ngayong Abril.
Dapat aniya habang maaga ay may nakahandang plano ang DOR at ERC para matiyak ang sapat na suplay ng kuryente ngayong panahon ng summer.
Bukod rito, malapit na rin aniya ang may 13 Midterm Elections.
Pinatitiyak rin nito na hindi naman mamumroblema ang mga consumer pagdating ng kanilang electricity bill.
Iminungkahi rin nito na magkaroon ng araw araw na update ang DOE at ERC para makapagbigay ng update sa sitwasyon ng kuryente.
Ulat ni Madz Moratillo