DOE, nagbabala na malamang na magpatuloy ang pagtaas sa presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na hidwaan ng Russia at Ukraine
Malamang na magpatuloy pa ang pagtaas ng presyo ng langis dahil na rin sa nagpapatuloy na Ukraine-Russia crisis, ayon sa Department of Energy (DOE.)
Ang advisory ay ipinalabas ng DOE nitong weekend, na nagbababala sa publiko tungkol sa “nalalapit na pagtaas sa halaga ng mga produktong petrolyo,” na magkakabisa ngayong linggo partikular ngayong Martes, Abril 26.
Ang nagpapatuloy na krisis sa Russia-Ukraine ay nangangahulugan ng hindi matatag na halaga ng langis sa mundo, na posibleng humantong sa pagtaas ng mga presyo nito.
Ngayong Martes, Abril 26, ang presyo ng gasolina ay inaasahang tataas ng hindi bababa sa tatlong piso kada litro, ang halaga naman ng diesel ay humigit-kumulang sa apat na piso bawat litro. Ito na ang ika-14 na oil price hike ngayong taon kumpara sa tatlong minimal price rollbacks.
Ayon kay Energy Secretary Alfonso Cusi . . . “The DOE is closely monitoring global oil supply and price movements, in coordination with our downstream oil industry players. We are working to exhaust all measures that would help uphold consumer welfare during this challenging period.’
Gayunman, tiniyak ng DOE sa mga Filipino na may sapat na suplay ng langis sa bansa.
Subali’t nagbabala pa rin ito sa “hindi maiiwasang pagtaas sa domestic price na patuloy na sasalamin sa papataas na paggalaw sa pandaigdigang merkado.”
Aniya . . . “It is really unfortunate that the impact of the Russia-Ukraine crisis is felt globally. This is why we would like to earnestly appeal to everyone to integrate energy efficiency and conservation into our daily lives to help manage costs.”
Noong nakaraang linggo, mismong si US Treasury Secretary Janet Yellen ang nagbabala na ang pag-ban ng Europa sa Russian oil at gas imports ay maaaring magbunga ng mga hindi inaasahang bagay na higit na magdudulot ng negatibo kaysa epektibong epekto sa ekonomiya ng buong mundo.
Ayon kay Yellen . . . “Europe clearly needs to reduce its dependence on Russia with respect to energy. But we need to be careful when we think about a complete European ban on, say, oil imports. A European energy ban would raise global oil prices and, counterintuitively, it could actually have very little negative impact on Russia, because although Russia might export less, its price it gets for its exports would go up.”
Sa pagtukoy sa panukalang ban, sinabi ni Yellen . . . “if we could figure out a way to do that without harming the entire globe through higher energy prices, that would be ideal.”