DOE secretary Alfonso Cusi, binatikos sa Senado
Direktang binanatan ni Senador Manny Pacquaio si Energy Secretary Alfonso Cusi dahil inuna raw ang pamumulitika sa halip na atupagin ang problema sa enerhiya.
Sa kaniyang privilege speech sa Senado, sinabi ni Pacquiao na nakakaranas ngayon ng krisis sa kuryente ang bansa dahil sa kapalpakan ng mga nakaupong opisyal.
Sinabi ni Pacquaio nakakadismaya na sa kabila ng problema sa suplay ng kuryente, inuna pa ni Cusi ang pagpapatawag ng meeting ng mga miyembro ng PDP laban na lumikha ng pagkakawatak watak ng partido.
Sinabi ng Senador na maraming negosyante ang nagrereklamo sa nangyayaring power outages.
Hindi lang aniya mga negosyo ang apektado kundi ang mga estudyanteng umaasa sa online classes at mga naka work from home.
Taliwas aniya ito sa pahayag ni Cusi na may sapat na suplay ng enerhiya at walang mangyayaring blackout.
Nais ni Pacquiao na papanagutin si Cusi dahil sa kaniyang kapalpakan.
Dismayado rin si Senator Koko Pimentel sa nangyayaring power outages.
Dumalo raw siya sa hearing noong ng Senate Energy Committee at mismomg si Cusi ang nagbigay ng garantiya na may sapat na suplay ng enerhiya.
Pero Reklamo ni Pimentel, sa Marikina nagkaroon rin ng labing isang oras na blackout dahilan kaya apektado ang kaniyang trabaho.
Ngayon aniya ang panahon na dapat may sapat na suplay dahil maraming umaasa sa kuryente lalot mayorya ng mamamayan sa bahay nag aaral at nagta trabaho.
Kwestyon na dapat pa raw bang maniwala kay cusi kung taliwas ang nangyayari sa kanyang mga pahayag.
Meanne Corvera