DOE , tiniyak na hindi magkakaroon ng brownout ngayong Summer
Tiniyak ng Department of Energy na may sapat na suplay ng kuryente at walang mangyayari ng brownout ngayong tag init.
Sa pagdinig ng Joint Congressional Energy Commission, Sinabi ni Energy Secretary Alfonso Cusi na walang mangyayaring kakapusan sa suplay ngayong summer months maliban na lamang kung may masisirang planta ng kuryente.
Bumaba raw kasi ang demand ng kuryente dahil sa mga ipinatupad na enhance community quarantine kung saan maraming mga negosyo at establishments ang sarado.
Pero kinukwestyon ni Senador Sherwin Gatchalian bakit may pa naka nakang mga power outages.
Tinukoy nito ang siyam na planta sa luzon na nagkaroon ng unplanned power outages kung saan dalawang libong megawatts ng kuryente ang nawala.
Nangangamba ang Senador dahil delikado aniya ito para sa mga pasilidad na itinayo ng gobyerno na paglalagyan ng mga pa parating na bakuna laban sa COVID- 19.
Pero Depensa ni Director Mario Marasigan ng DOE, nagkaroon lang ng technical problema ang ilang planta.
Pero hindi naman aniya ito nagresulta ng perwisyo sa mga customers.
Inabisuhan na rin aniya nila ang planta ng kuryente na wag mag schedule ng maintenance ngayong second quarter o mula abril hanggang hunyo para matiyak na makapagbibigay ng maayos na serbisyo sa mga customers.
Meanne Corvera