DOE umapila sa Senado na ibalik ang kapangyarihan sa pagpapataw ng parusa sa mga power concessionaires
Nagbabala ang Department of Energy ng posibilidad ng red at yellow alert scenario sa suplay ng kuryente sa mga susunod na araw.
Tuwing nagkakaroon ng red at yellow alert nagkakaroon ng brownout at tumataas rin ang singil sa kuryente sa pagdinig ng Senate Committee on Energy, sinabi ni DOE Director Mario Marasigan na ang red at yellow alert ay dulot ng nakatakdang preventive maintenance ng tatlong planta ng kuryente kabilang na rito ang Ilihan block A na nakatakda na sa June 24, ang Sual unit one at Pagbilao.
sa kasalukuyan aabot aniya sa 15 thousand mega watts ang dependable na suplay ng kuryente, 11 thousand ang demand.
Inaasahan aniya na mababawasan pa ito ng 2600 megawatts para sa mga allowable force outages at 2000 megawatts na unplanned kaya wala nang matitirang energy reserves.
Plano aniya ng Energy Department na magbawas ng 10 percent na kuryente sa mga tanggapan ng gobyerno para hindi magkaroon ng brownout.
Pero kwestyon ni Senador Nancy Binay, bakit tila pinagtatakpan ng gobyerno ang kapalpakan sa halip na paghandaan ang malawakang brownout.
Depensa naman ni Energy Secretary Alfonso Cusi, may walong available na planta ng kuryente para sa reserve.
Ang kailangan lang daw i tap ito ng National Grid Corporation of the Philippines papunta sa mga consumers.
Meanne Corvera