DOF at DBM, kinastigo ng Senado sa hindi maipamahaging vouchers sa mga Jeepney operators
Kinastigo ni Senador Grace Poe ang mga ahensya ng gobyerno sa hindi pa rin naipatutupad na pangakong fuel vouchers para sa mga jeepney drivers.
Lumilitaw sa imbestigasyon ng Senado na anim na buwan matapos ipatupad ang Train law nakapending pa rin ang pangakong fuel vouchers.
Nagkakagulo aniya partikular na ang Department of Budget and Management o DBM at Department of Finance o DOF dahil sa walang koordinasyon para maipatupad ang pamamahagi ng fuel vouchers o Pantawid Pasada program.
Pinuna rin ni Poe ang jeepney modernization program ng gobyerno na tila hindi parin nakaplano ng maayos.
Paano aniya kakayanin ng mga operators at drivers na makabili ng bagong jeep at paano phase out ang lumang jeep kung mismong ang subsidiya o fuel vouchers mula sa Train Law ay hindi pa ipinamimiigay ng pamahalaan.
Naniniwala ang Senadora na kapag ipinatupad ang jeepney modernization maraming jeepney drivers ang mawawalan ng trabaho.
Ulat ni Meanne Corvera