DOF hinimok ang DOLE na gamitin ang digital technology para mapabilis ang assistance sa mga manggagawa
Iminungkahi ng Department of Finance sa Department of Labor and Employment ang paggamit o pag-harness ng digital technology para mapadali ang pagbibigay nito ng assistance sa mga manggagawa na nangangailangan ng tulong sa panahon ng krisis.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, dapat i-digitize ng DOLE ang pagbuo ng database at payout system para sa efficient at mabilis na pagkakaloob ng tulong sa mga Pinoy workers.
Inihalimbawa ni Dominguez ang automated Small Business Wage Subsidy (SBWS) Program na magkatuwang na ipinatupad ng DOF, SSS at BIR sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.
Sa pamamagitan ng SBWS aniya ay mabilis na naipadala sa mahigit 3 milyong empleyadong benepisyaryo nang walang face-to-face contact ang wage subsidies.
Hinimok pa ng kalihim ang labor department na paigtingin pa ang mga programa nito para matulungan ang mga kawani na makaagapay sa pandemya at maihanda sila sa digital economy.
Tiwala naman ang DOF na malaki ang magiging improvement sa digitalization ng mga serbisyo at transaksyon sa pamahalaan bunsod na rin ng National ID System.
Moira Encina