DOH aminadong bumaba ang bilang ng mga doktor na nag-a-apply sa kanilang Emergency hiring program

photo credit: pna.gov.ph

Aminado ang Department of Health na bumaba ang bilang ng mga doktor na nag-a-apply sa ilalim ng kanilang emergency hiring program sa kasagsagan ng Covid-19 Pandemic.

Ayon kay Health Undersecretary Ma. Rosario Vergeire, maaaring ito ay dahil sa anxiety at takot dahil sa Covid-19.

Muli namang umapila ang opisyal sa mga doktor na mag-apply sa kanilang emergency hiring program para mapunuang ang kakulangan sa mga ospital.

Sa kabuuan nasa 9,707 Health care workers na ang na-hire sa 11,931 aprubadong slots para sa emergency hiring sa 345 health facilities sa bansa.

Sa nasabing bilang, 38.5% ang itatalaga sa DOH hospitals, 15.9% sa COVID-19 diagnostic facility, 15.7% sa mga temporary treatment facilities, 13% sa mga LGU at iba pang ospital at ang iba pa ay itatalaga sa iba pang Health care facilities.

Madz Moratillo

Please follow and like us: